Home » Post Item » Ampogi ni Badoodles
Ampogi ni Badoodles
Friday, June 26, 2009Sabi ng mga barkada kong pabling, epektib
talaga ang pick up lines.
‘Yung tipong dadaan ka sa isang bar, may hot
chick na umoorder ng tequila sabay singit ka ng
Miss, mabilis ka siguro sa puzzle no? Kasi
kasisimula pa lang ng araw ko, nabuo mo na
agad”.
Sabay pakita ng killer dimple at ngiting pusa. Oo, parang pusang gustong
makipaglambutsingan sa bubong
magdamagan.
Ngyawwrrr! Kelangan lang daw
ng konting tapang ng dibdib sabay swabeng
confidence, tiyak 90% accuracy na
mapapangiti ang chick.
Heto pa ang ibang pick
up lines na pinagyayabang ng mga kabarkada
ko:
* Miss, hindi ka pa ba napapagod? Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko.
* Mahilig ka ba sa crayola? Ikaw kasi nagbibigay kulay sa buhay ko.
* Exam ka ba? Gusto na kasi kitang i-take home!
* Me lisensya ka ba? Coz you’re driving me crazy.
* Naniniwala ka ba sa love at first sight? O gusto mong dumaan ulit ako?
Iniisip ko lang bakit kelangan pa-cute ang mga pick up lines. Ang alam ko, ang gusto ng ibang babae, ‘yung may pagka-maginoong medyo brutal. Dapat ganito:
* Hey, para ka namang kulangot, you’re playing hard to get.
* Peyborit fud mo ba ang Alpo? You’re bitchier than my dog.
* Para kang kuto, I can’t get you out of my head.
Pero ako, hindi ako naniniwala sa mga pick up lines. Hindi ko naman nadaan si Bebe Ko sa mga pakyut-cute na ganyan. Nilaro-laro ko lang ‘yung pendulum sa harap ni BebeKo sabay sabing ‘Repit apter me…’ “Ampogi ni Badoodles… Kamuka siya ni George Clooney…” Mga 100 times siguro na pinaulit-ulit ko sa BebeKo ‘yun sabay suklob sa kanya ng helmet. Hanggang ngayon, naniniwala pa rin siyang kamuka ko nga si George Clooney. Oo, kung minsan si Tom Cruise naman. Tsk tsk, nakakabulag talaga ang pag-ibig.
Wala lang. Huling pagbabalik tanaw sa pagkabinata. Ang pagbabalik tanaw na ito ay hatid sa inyo ng Rhea Rubbing Alcohol – di lang pampamilya pang isports pa.
by: TORPE



