Home
Sino ba tlaga si bogart?
Wednesday, July 28, 2010
May mga pagkakataon sa buhay natin na tayo ay nalilito, nagugulo, natatakot…
Minsan nga, naitanong ko na lng bigla sa aking sarili “ sino ba tlaga si Bogart??”
C bogart! Pangalan, Kataga o salita na lagi ko naririnig sa bibig ng ibat ibang tao, mapababae, mapalalaki, bata at matanda.
Isang salita na hindi ko alam, pangalan na hindi ko kilala..
Bakit kaya siya Sikat? Dahil ba dati siyang presidente ng Pilipinas??
O sadyang madami lng siyang na contribute sa larangan ng sining? O bka nman Musika? Bka Myembro a siya ng sikat n banda… Hindi ko tlga alam.. Bka nman isa siyang boxingero na madami ng pinatumba at pinagod..
O, Bka nman.. Isa siyang Cartoon Character nung mga naunang dekada??
Isang Mortal na Kaaway ng 5 limang mgkakapatid na nkasakay sa isang robot na nakakalas… Ung Palabas na Violente.. ung nagdikit-dikit, Ung palabas na laging natatapos Ng laser Sword. Dun kaya? Hindi ko tlaga alam..
Sadyang naantig lang ako kay bogart, kaya nman araw araw ko na siyang naiimagine.. iniicip..
kung anu ba tlgang itsura niya.. Maliit ba, Maputi, o matipuno.. ang cute-cute kc tlga ng name niya “BOGART” Nakakalungkot nga lang at umabot ako ng edad 21.. pero hanggang ngaun hindi ko parin kilala si bogart.. Sino ba kc si BOGART!?
Anu ba tlga siya?? Hindi ko alam..
Si bogart ba ay tao, o Hayup o bka nman bagay? Bka isang bagong modelo ng cellphone?? NOKIA ba o erikson. hay!!! Nung minsan nga sa subrang pagiicip ko ay nagtanong na ko sa mga ibang tao.. sa teacher ko, kso pinagalitan lng nia ako. Ang bastos ko daw! sa nanay ko, sa mga kapatid ko, at sa tatay ko… kso,, Ang kilala lng nilang bogart e yung malibog na aso na nakatira dun sa kapit bahay naming .. hay Naku!
Hindi ako matahik laging bibubulong ng isip ko ang katgang “BOGART-BOGART-BOGART”
Kaya nga nagtanong na ako sa police..
Nagulat nga yung police nung Bigla akong nagtanong.. “ Manong, Manong… Kilala neo ba si Bogart?”
Aba, sumagot si manong police sa akn.. “bkt? Hindi mo ba siya kilala?”.. Natuwa nman ako sa sinabi niya, at sabik na sabik alamin kung sino ba tlga si Bogart… Agad akong sumagot. “ Hindi nga eh, matagal ko na po siyang hinahanap gsto ko na siyang mkita”. Natawa ang Police saken.. Sabay sbi ng “ Ano ka Bading?”
Sympre nagulat ako sa sinabi niya at agad kong ipinaliwanag ang aking nararamdaman.
“ Naiintidihan ko po na hindi ako karapatdapat maghanap ng isang sikat na artista, lalo na at lalaki siya. Pacencia na ngunit gsto ko na tlgang makita si bogart. Sino Po ba S Bogart? Hindi Ko alam.. “ Pinagtawanan lng ako ng mamang Police at siya ay umalis sa aking harap. Iniwan ang aking blankong mukha, Ang aking Isip na gulong gulo sa kakaisip..
“SINO BA TLGA SI BOGART?”
“ KILALA NEO BA SI BOGART?”
Φ



